Buhay Kolehiyala

Buhay Kolehiyala
Eto ang buhay ko!

Wednesday, June 3, 2015

Unang pahina: College Life is...

Malayong destinasyon, mahabang pila, mga unfamiliar faces at dinag-dagan pa ng mga matataray na enrolling officers. Aba! Aba! Sino ba naman ang makakalimot sa unang tapak nya sa Unibersidad na pinasukan niya. And yung feeling na nasa kabilang ibayo pa talaga ng Pilipinas nakatayo yung University. Sigurado akong never mong mafo-forget ang moment na yun. Agree?
Mindanao State University - Ang dakila kong Pamantasan (Photo from: www.newsinfo.inquirer.net)


Oh well college life is...paano ko nga ba madedescribe? Parang langit at lupa. Yes, ganyan ang tingin ko sa buhay ko ngayon sa kolehiyo. Ibang-iba na sya sa nakasanayan ko nung nag-aaral pa lang ako ng high school. Naalala ko pa nga, gustong-gusto kong makagraduate ng maaga para makapag-college na (the real reason behind that is actually PAIN, yes, ang drama ko). Hindi naman ako nagsisisi sa inisip ko dati, haha.

During "our" resume photo shoot in Mgt 13. (P.S nakisit-in lang ako sa klase ni Sir Jah that's why I'm the Isotope)

Ba't di ako nagsisisi? Kasi napatunayan ko na masarap ngang mag-aral sa kolehiyo kaya langit ang tingin ko. Ang dami mo kayang pwedeng matutunan, isa na jan ang pakikisalamuha sa super duper mega exact opposite ng attitude mo, yung isang taong gustong-gusto mo ng sipain pero iniintindi mo nalang kasi alam mong malayao ka sa parents mo and it will just bring you no good. At di mawawala jan yung taong laging gumagawa ng katatawanan. Stress na nga sa mga walang katapusan na requirements at 500-items exam ay tumatawa pa ng wagas. Masayang-masaya sya sa buhay nya. At meron ding kagaya ko na nalaging nagda-daydream sa klase but at the same time ay nakikinig pa rin so boring na lectures ni Prof (what is multi-tasking nga naman diba? Haha). 
Mabuhay ang mga PIZZA! The best stress reliever! Ever!


Haay, kay ganda nga naman talaga mag-aral (Charr). But duh, let's face reality. Nakaka-stress at nakakapressure pag malapit na ang finals. Yung lampas ulo mo na yung stress level sa sabay-sabay na requirements, group activities at exams. Para kang ibinagsak ng langit sa lupa (sakit nun!). Hindi lang ang mental aspect mo ang apektado kung di ang physical, social, emotional at spiritual na aspekto ng buhay mo ay naapektuhan din. Kaya dapat always kang prepared at kaya mong mahandle si stress.
Eating is my way of slef-expression. Yes it is.

Masyadong komplikado ang buhay kolehiyo para maisulat sa isang post lamang (lalo na\t sa isang pro-short post na gaya ko. haha). Gayon pa man, hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin. Bagkus, ito pa lang ang simula. Marami pa akong ikukwento, nandun na ang mga saddest, fake kilig, jolliest and most embarrassing moments ko bilang isang Kolehiyana. (P.S pinagtalunan ng sobra ng mga konsensya ko kung isasali ko pa ba ang mga embarrassing moments ko. Unfortunately for me, the angel won)

So, keep on track mga kabarkada! 

No comments:

Post a Comment